PCOS deal, SALN guidelines tatalakayin sa SC special en banc

MAYROONG special en banc session Supreme Court (SC) ngayong araw kung saan tatalakayin ang isyu na may kaugnaya sa precinct count optical scan (PCOS) deal at ang mga guidelines sa pagpapalabas ng mga mahistrado at hukom sa buong bansa ng kanilang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Nakapagdesisyon na kasi ang mga mahistrado ng SC na isapubliko na ang  kanilang 2011 SALN.

Hihimayin din sa special en banc session ang planong pagbili ng Commission on Elections (Comelec) ng 82,000 PCOS machines sa kompanyang Smartmatic.

Matatandaan na una nang nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema sa pagbili ng Comelec ng P1.8 bilyong halaga ng PCOS machines hangga’t hindi pa nareresolba ang usapin partikular na ang legalidad sa pagbili nito noong 2010 elections.

Ang mga nasabing makina ay nakatakda sanang muling gamitin para sa 2013 midterm elections.

Magugunita ring aprub kay Pangulong Benigno Aquino III ang paggamit sa mga PCOS machine para sa 2013.

Si Pangulong Aquino ang kauna-unahang pangulong nahalal sa pamamagitan ng automated election.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply