PDP-Laban nagre-recruit na sa Cebu

NAGSIMULA nang mangalap ng mga politiko sa Cebu ang PDP-Laban, ang mga kaalyado ni Vice President Jejomar Binay.

Sa kasalukuyan, inalok ng partido sila si dating Cebu City South District Congressman Antonio Cuenco upang tumayong chairman sa Central Visayas, habang si Cebu City Councilor Jose Daluz III ay inaalok bilang city chairman.

Kaugnay nito, sinabi ni Cuenco na kokonsultahin muna niya si Cebu City Mayor Michael Rama na kaalyado nito sa lungsod ng Cebu sa Liberal Party bago tanggapin ang alok ng partido.

Si Cuenco at ang kilalang dating radio personality noong Martial Law na si Inday Nita Cortes-Daluz ay mga dating aktibong miyembro ng PDP-Laban ni dating Senador Aquilino Pimentel Jr.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply