Peace mission, hinaras ng AFP sa Quezon

BINATIKOS ng mga miyembro ng Save Bondoc Peninsula Movement ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa umanoy pananakot sa mga  residente sa mga lugar sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa grupo, na nagsasagawa ng peace caravan at mercy mission, mismong ang Battalion Commander ng 74th IBPA ay nagpunta sa Mayor ng San Andres para sabihing huwag suportahan ang aming aktibidad. Ang sundalo naman daw ay magkakaroon din ng medical mission.”

Ayon kay Orly Marcellana, tagapagsalita ng SBPM, nadatnan nila ang mga sundalo na nagpapamiting sa mga lokal na residente at binabalaan ang mga ito na huwag lalahok sa aktibidad ng SBPM.

“May 14 na sundalo kaming nadatnan na nagpapalabas ng sine na naglalaman ng mga black propaganda laban sa samahan namin. Tinatakot nila ang mga tao na diumano ay NPA ang darating para magbigay ng pagkain at serbisyong medikal,” sabi ni Marcellana.

Maglulunsad ang grupo ng 8-araw na Mercy Mission na mamamahagi ng food packages, serbisyong medikal at psychosocial first-aid sa mga residente ng Mulanay, San Narciso at San Andres

Ayon sa SBPM, target nilang makapagbigay ng tulong sa may 1,500 benipisyaryo hanggang bukas bago sila tumulak sa bayan ng Lopez para sa ikalawang bahagi ng Peace Caravan.

Kahapon, umalma rin ang grupo ni Marcellana nang 3-sasakyan sa kanilang convoy ng 15-jeep at 2-trak ang naflat-an ng gulong dahil sa mga metal spike na nakakalat sa daan sa bahagi ng bayan ng Catanuan.

Sa kanilang ulat, nangyari ito malapit sa kampo ng 76th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Bgy. Malaahos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply