Pedicab driver patay sa pananaksak sa Las Piñas

PATAY ang isang 55-anyos na pedicab driver nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang pagbabangayan nang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay makaraang makisawsaw sa “away bata” kamakalawa ng gabi sa Las Pinas City.

Dead on the spot sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Elpidio Ibero, residente ng Villa Alfonso, Pulanglupa 1 habang mabilis namang tumakas ang suspect na si Pascual Zorbio, 37, kapitbahay ng nasawi makaraan ang ginawang pananaksak.

Sa tinanggap na ulat ni Las Pinas Police Chief Sr. Supt. Romulo Sapitula, nakikipag-inuman umano ang biktima sa kapwa pedicab driver na si Joaquin Abucay, 38 sa kanilang lugar dakong alas-8 ng gabi nang dumating ang suspect at kaagad sinita si Ibero sa ginawa umanong pagkampi sa kanyang anak nang maka-away ng bata ang anak naman ng salarin.

Humantong umano sa mainitang pagtatalo ang paninita ng suspect at bago pa man sila maawat ni Abucay ay bumunot na ng patalim sa Zorbito at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima bago mabilis na tumakas bitbit ang ginamit na patalim.

Pansamantalang inilagak ang bangkay ni Ibero sa Mesina Funeral Homes habang inilunsad na ng pulisya ang pagtugis sa salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply