Pekeng abogado laglag sa NBI

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Invesigation (NBI) ang isang 50-anyos na lalaki na nagpanggap na abogado sa loob ng halos 20 taon.

KInilala ni NBI-Anti Organized Crime Division (NBI-AOCD) chief Atty. Rogelio Mamauag ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa NBI detention na si Senen Duadico, 50, ng Cordillera St. Mandaluyong City.

Ang pagkakaaresto kay Duadico ay bunsod sa reklamo ng isang Rosalind A. Geolagon.

Ayon kay Mamauag, nakilala ni Geolagon si Duadico nitong Marso 2012 habang ito ay naghahanap ng isang notary public para magpagawa ng kanyang reklamo dahil plano nitong magsampa ng kaso laban sa pamunuan ng isang mall sa Mandaluyong City kung saan mayroon siyang tinagge.

Si Duadico ay nagboluntaryo umanong tatayong abogado ng complainant at hiningan siya nito ng P1,800 para sa filing at notarial fees.

Ngunit nawalan ng gana si Geolagon sa suspek nang hindi siya mabigyan ng resibo para sa filing fees na kanyang kinuha sa kabila ng paulit-ulit nitong panghihingi.

Agad na kinutuban si Geolagon kaya nag-verify ito sa Supreme Court kung saan natuklasan niya na si Duadico ay wala sa listahan ng mga pumasang abogado sa Philippine Bar.

Bukod pa dito, base sa record, nabunyag din na si Duadico ay may mga nakabinbin pang mga kaso mula sa iba’t ibang korte kabilang dito ang Pasig RTC, Br. 69 for Indirect Contempt; 2 Quezon City RTC, Br.224 for Direct Contempt; Makati MTC, Br.64 for Estafa and Usurpation of Authority.

Bunsod nito, nitong Hunyo 11, 2012 ay isinilbi ang arrest warrant mula sa Pasig City Court na nagresulta sa kanyang pagkaaaresto sa loob ng kanyang tanggapan.

Iginiit naman ni Duadico na isa siyang legitimate lawyer at mayroong itong certification mula sa Supreme Court. Ipinakita rin niya ang kanyang 1985 bar examinations average na 84.6.

“Alam mo naman na may mga kalaban ka sa korte na they wanted to destroy you,” ayon kay Duadico.

Kasong estafa under Art. 315 of the Revised Penal Code at usurpation of authority under Art.177 of the RPC ang isinampang kaso laban kay Duadico sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply