Penalty sa late renewal ng lisensya, aalisin

PANSAMANTALANG aalisin ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang P300 na penalty ng mga tsuper na hindi nagpa-renew ng lisensya dahil sa aberyang dulot ng pagbabago ng disenyo ng driver’s license ng Amalgamated Motors Philippines Inc. (AMPI).

Ayon kay LTO-NCR Director Attorney Teofilo Guadiz III, walang kasalanan ang mga tsuper sa aberya ng operasyon kaya dapat na ang mga contractor ang managot sa penalty.

Gayunpaman, wala pang sagot sa rekomendasyong ito si LTO Chief Assistant Secretary Virginia Torres.

Dalawang beses nang naudlot ang pulong ng LTO sa AMPI kaugnay sa aberya dahil nasa Tacloban pa si Torres.

Umabot na sa 80% ng operasyon sa mga LTO offices ang naayos ngunit kahit naibalik na ang dating operating system (OS) sa equipment ng ahensya, hindi tugma ang ginagamit na sistema sa mga printer kaya hindi pa rin makapag-imprenta ng lisensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply