Pera-pera sa gobyerno

ANO na ba ang nagaganap sa gobyerno?
Tila bingi na ito sa karaingan ng marami para sa ikagagaan ng kanilang kalagayan.
Sa halip na pakinggan, basta na lang ginagawa ang gusto nito.
Lalo na sa usaping may kaugnayan sa salapi.
Hindi baleng maghirap ang marami basta kumita ito.
oOo
Tingnan natin ang Department Order 2009-39 ng Department of Transportation and Communications.
Sa pamamagitan ng DO na ito, sobra-sobra na ang singil na multa sa mga tsuper ukol sa traffic violations.
Por eksampol, noon ay nasa P150 lang ang multa sa nakatsinelas na drayber ng sasakyang pampubliko gaya ng dyipni.
Ngayon ay P1,500 na dahil sa DO.
Idineklara na ng Regional Trial Court ang DO na ito na labag sa konstitusyon.
Pero pilit itong ipinatutupad ng DOTC ni Sec. Mar Roxas.
oOo
Bukod sa iskay is da limit na multa, paiiralin din ng DOTC ang RFID o radio frequency identification para sa mga pampubli-kong sasakyan.
Pinigil ito noon ng Korte Suprema at nagkaroon pa nga ng order ang KS na i-refund ang naibayad ng mga napuwersang magkaroon ng RFID.
Walang refund na ginawa ang DOTC at basta gusto nitong kumita ng nasa P1.6 bilyon mula rito.
Panlaban umano sa kolorum ang RFID at panlaban din sa carnapping.
Malalabanan ng RFID ang kolorum at carnapping?
I dawt it, Suki, dahil ang daming kolorum at carnapping na hawak ng mga taga-LTO, pulis at iba pang taong pamahalaan.
oOo
Ah, ibabalik din daw ang pagkakaroon ng early warning device bilang requirement sa rehistro ng mga sasakyan.
Kasi sa LTO, P500-P600 ang isang set samantalang nasa P200 lang sa mga auto supply at hardware.
Pera-pera na lang ba ang na sa gobyerno?
Baka magsisi kayo sa huli kapag may naghuramentadong tsuper, huh, Mr. Roxas?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply