Pera-pera sa lisensya

MAGKANO ba talaga ang penalty fee para sa late na pag-renew ng driver’s license?

Sa nakikita natin sa ilang opisina ng Land Transportation Office, nasa P75 lamang para sa isang taon.

Pero bakit pinalalabas ngayon na aabot na sa P300 kada taon?

Kailangan na linawin ito ng LTO upang hindi naman malito at mabigatan ang mamamayan.

oOo

Isa pang dapat na linawin ng LTO ang pagpapatong nito ng penalty sa mga nagpapa-renew ng lisensya ngayon.

Sa paliwanag ng mga taga-LTO, isang buwan bago mag-expire ang lisensya, pupuwede nang mag-renew.

Pero hindi maiiwasan na sa huling araw nagsisipunta ang mga tsuper sa LTO para magpa-renew.

Ngayon nga ay naaabutan nila ang dalawang linggo nang sigalot sa LTO ukol sa pag-iisyu ng lisensya.

May nakararanas ng pagpapatong ng LTO ng penalty o parusa sa mga nagre-renew ngayon.

Anak kayong mga ganid sa LTO, kayo ang gumagawa ng gulo sa lisensya tapos parurusahan ninyo ang mamamayan?

Hindi dapat na magkaroon ng penalty sa mga tsuper dahil nasa tamang oras naman ang kanilang mga aplikasyon sa renewal.

oOo

Sa balita natin, nangunguna si LTO-NCR Director Attorney Teofilo Guadiz III sa paghiling sa pamunuan sa LTO na huwag maningil sa mga tsuper ng anomang penalty.

Pero hanggang sa isinusulat ito, wala umanong sagot ang pamunuan ng LTO.

Kaya tuloy-tuloy umano ang pagpapataw ng parusa o multa para sa late renewal.

Aba kung totoo ito, lumalabas na totoo ang tingin ng marami na pera-pera na lang talaga sa gobyerno, partikular sa LTO.

Taliwas ito, Suki, sa Tuwid na Daan na nangangako ng magaan na buhay para sa mamamayan.

Kung magpapatuloy ang ganyang patakaran, walang kuwenta ang Tuwid na Daan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply