Perpetual, Letran mag-uunahan sa 2nd win

Games Ngayong Sabado
Fil-Oil Flying V Arena
2  p.m.. St. Benilde  vs. San Sebastian (jrs/srs)
6  p.m. Perpetual Help  vs.  Letran (srs)

UNAHAN sa pagtala  kani-kanilang lang ikalawang sunod na panalo ang University of Perpetual Help at ang season host Letran College sa sagupaan ngayon sa 88th NCAA basketball tournament sa  Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Magtatangka sa unang laban para sa ikalawang sunod na panalo ang College of St. Benilde vs San Sebastian College para sa unang seniors game ng alas-4 ng hapon.

Tinalo ng Knights ang Stags sa opening day match, 80-74 habang dinaig ng Altas sa debut game ang guest team Lyceum of the Philippines University Pirates noong Huwebes,82-70.

Nakatikim din ng panalo sa kanilang unang laro ang Altas makaraan ang tatlong taon.

Laban sa Knights , muling aasahan ng UST ang gagawing execution ng  play ng mga manlalaro sa pangunguna ni team skipper Jet Vidal, kasama ang mga beteranong sina Earl Thompson, Anthony Paulino, Joel Jolangcob at mga Nigerian big men na sina Nosa Omorogbe at Ariyo Babayemi.

Hindi naman kaiba kay Letran coach Louie Alas ang malaking respeto sa headcoach ng Perpetual.

Inaasahan din ang mainit na laban sa pagitan ng Blazers at ng Stags dahil magkukumahog ang huli na bumangon buhat sa tinamong kabiguan sa kamay ng Knights habang hangad ng una na madugtungan ang naitalang unang panalo kontra Lyceum.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply