Peryahan sa Bulacan ginagamit ng ilang politiko

GINAGAMIT daw ng ilan nating mga politiko riyan sa Bulacan ang mga iligal na pasugalan partikular na ang peryahan o mini-fairs na pinagaganda lang pero 1602 pa rin.

Sa sumbong na nakarating sa Lily’s Files ay sinasabing ang “NOOMA” O National Owners Organization of Mini-Fairs and Amusement Inc., na sa madaling salita ay peryang may sugal, ay ginagamit umano na pampapogi ng ilan nating mga astig na politiko riyan sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa source, madalas umanong makitang kasama ng kapatid at mga staff ni Vice Governor Daniel Fernando ang mga opisyal ng NOOMA  sa  kanilang  Feeding Program.

Hindi ako magtataka kung bakit talamak ang iligal na pasugalan sa lalawigan ng Bulacan dahil hindi lang pala mga tauhan ng Bulacan PNP ang nagbibigay ng proteksyon sa mga ito kundi maging ang mga opisyal na rin ng Kapitolyo at lokal na pamahalaan.

Nakarating rin sa Lily’s Files na kamakailan lang ay nagkaroon ng meeting ang NOOMA sa pamumuno ng kanilang president na si alyas Japayuki at ang vice nitong si alyas Mike na sinasabing ina-anak ni Bulacan Governor Willy Alvarado.

Kaya naman pala ipinagmamalaki ng presidente ng NOOMA na si alyas Nora Japayuki na malakas ang kanilang grupo kay Bulacan Governor Willy Alvarado, dahil gi-nagamit sila na pampapogi ng mga politikong ito.

Sayang ang pagkakakilala ko rito kay Gov. Alvarado, ang buong akala ko ay napakagaling talagang  opisyal. ‘Yun pala ‘yung  mga ipina-kita niya ay puro kasinungalingan lang.

Hinahamon ko kayo, Gov. Al-varado at lahat ng mga law enforcer, kung talagang wala kayong patong sa talamak na mga peryahan diyan sa Bulacan ay ipasara nin-yong lahat yan dahil sa totoo lang naman iilan lang sa mga peryahan diyan sa iyong lalawigan ang masasabing may perya at ang lahat ay ginagawa lang na front para sa mga iligal na pasugalan, partikular na ang “color game.”

At sana, kung sakaling maipasa-sara ang mga peryahang ito, ay ma-ging totoo sana kayo at hindi lang  ningas-kugon.

Alam kong mahirap itong ipasara sa ngayon dahil sa nalalapit na eleksyon, siyempre gagamitin muna ng mga politiko ang mga tauhan ng  peryahan para sa pansariling kapakanan.

Di po ba, Gov. Willy Alvarado at Vice Gov. Daniel Fernando?  Nagtatanong lang po, walang personalan.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suggestions at komento, mag text lang po sa  0915-5683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply