PHL envoy sa Syria, lusot sa CA

NAKALUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni Nestor N. Padalhin, ambassador ng Pilipinas sa Syrian Arab Republic matapos isantabi noong nakaraang  linggo sanhi ng di kumpletong entry sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile , tuluyan nang pinalusot ang kumpirmasyon ni Padalhin dahil nakumpleto na nito ang talaan ng kanyang ari-arian partikular ang isang bahay at lote sa San Francisco, California na nito inilagay sa kanyang SALN.

“Tapos na, nakumpleto na naman niya,” ayon kay Enrile.

Kasabay nito, kinumpirma din ng CA sina  Jocelyn Batoon-Garcia bilang ambassador to Kingdom of Thailand at permanent representative to the United Nation Economic and Social Commission for Asia and the Pacific; at Henry S, Bensurto, Jr., bilang chief of mission Class II.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply