Philippine Eagle Week

SENTRO ngayon ng pansin ang hari ng mga ibon sa Pilipinas dahil pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagdiriwang ng Philippine Eagle Week ngayong araw (Hunyo 4) hanggang 10.

Sinabi ni Environment Secretary Ramon J. P. Paje na ikinasa na ng mga aktibidades sa Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) na tatagal hanggang sa pagtatapos ng buwang ito upang mas maipamulat sa mga Filipino at sa buong mundo ang kahalagahan ng Philippine Eagle na binansagan ng “the world’s noblest flier” ng tanyag na American aviator na si Charles Lindbergh.

Nagsimula ang selebrasyon kaninang 8:00 ng umaga sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center (NAPWC), sa pamamagitan ng storytelling session para sa publiko na pinamagatang “Fly Malaya Fly.”

Naglagay naman ng “Harivan” ang Haribon Foundation, isang mobile infovan na nagtataglay ng iba’t ibang materyales na nagbibigay impormasyon hinggil sa Philippine Eagle tulad ng videos, CDs at brochures.

Isang agila naman na nagngangalang “Girlie” ang makikita sa isa sa pinakamalaking aviaries sa loob ng NAPWC.

Sinabi ni PAWB Director Theresa Mundita Lim, na naglagay sila ng sari-saring tarpaulins at posters sa mga istratehikong lugar sa loob ng Metro Manila tulad sa Edsa Avenue.

Tinuruan din ang mga estudyante sa paaralan kung papaano mapangangalagaan ang mga agila.

Ilulunsad din ang isang informative commercial o “infomercial,” sa TV network na ABS-CBN mula Hunyo 8, sa pamamagitan ng kanilang news program na TV Patrol.

Dalawang kasunduan din ang nilagdaan upang mapalakas pa ang conservation efforts para sa agila ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply