Philippine flag idisplay – Mayor Lim

HINIKAYAT ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga residente ng Maynila na mag-display ng mga watawat ng Pilipinas bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa darating na 114th Independence Day sa Hunyo  12.

Ginawa ni Lim ang panawagan matapos tanggapin mula sa Chinese-Filipino Business Club, Inc. (CFBCI) ang donasyon na mga watawat.

Ilalagay umano ang mga donasyon na watawat sa may 71 public elementary at  32 public high schools.

Pinasalamatan ni Lim ang mga opisyal ng  CFBCI pinamumunuan ni  president Cristino Lim, vice presidents Lao Giok Chiao at Johnny Lee, officers Nolly Maranon Ty, former President Lino Uy at secretary-general Cynthia Go.

Inatasan naman ni Lim ang kanyang chief of staff at media bureau director Ric de Guzman at  division of city schools superintendent Ponciano Menguito na pag-ingatan ang mga ipamimigay na watawat.

Hinikayat rin ng alkalde ang mga kabataan na alalahanin ang mga bayani ng bansa na isinakripisyo ang kanilang buhay para sa ating kalayaan.

Samantala, idinagdag ng alkalde na ipagdiwang ang okasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat sa mga sasakyan,gusali at tahanan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply