Philippines Strong Environmental Performer

PHILIPPINES Strong Environmental Performer. Nakatataba naman ng puso ang nakalagay kamakailan sa 2012 Environmental Performance Index (EPI) ang Pilipinas sa kategorya bilang isang global “strong performer” na kumpirma sa pagkakakilalang ito ay nasa tamang landas ang gobyernong Aquino sa environmental policies, program s at repormang ipinatutupad.

Mula sa dating 50 noong 2010 umakyat na sa 42 ang Pilipinas ngayong 2012. Sa 132 bansa naungusan ng PHL ang Australia, United States, Singapore at Israel na lahat ay nasa ‘modest performer’ category.

Log ban – Nag-isyu ng nationwide total log ban ang Pangulo sa pamamagitan ng Executive Order No. 23 nito noong Feb. 2011 at ibinawal ang pagtotroso sa lahat ng  natural at residual forest ng bansa.

Nilikha rin ang National Anti-Illegal Logging Task  Force na pinamumunuan ng DENR. May 13 at 3 milyong board feet ng iligal na troso ang nakumpiska na nagkakahalagang P330M.

Nakapagsampa rin ang DENR ng 328 kaso kung saan 57 na ang nahatulan. Ang mga nakumpiskang troso ay ginawang silya at ibinigay sa DepEd.

Delineation of Forest Bounderies – Nakumpleto na ang mga forest boundary delineation sa buong bansa maliban na lamang sa ARMM na matatapos na ngayong taon.

National Greening Program – Ito ang pinakamalaking reforestation program sa kasaysayan ng bansa na itinatag ni Pangulong Noynoy Aquino sa pamamagitan ng EO #26. Inaambisyon ng NGP na makapagtanim ng 1.5 bilyong puno sa 1.5 million hectares mula 2011 hanggang 2016.

Malawakang paglilinis – Sa pamamagitan ng anti-smoke belching campaign, ang air pollution ay bumababa na sa 29 percent. Inilunsad ang Adopt-An-Estero/River Program.

Environmental governance – dinidisiplina ng DENR ang mga tauhan nito at kinakasuhan ang mga gumagawa ng mali.

***

Anoman ang reklamo mangyari ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email  juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply