Phillip Phillips back to work pagkatapos ng operasyon

BACK to work na ngayon si American Idol Season 11 winner Phillip Phillips makaraang makalabas ng ospital pagkatapos ng operasyon sa kidney.

Nabatid na tumagal ng pitong oras ang operasyon ni Phillip sa isang ospital sa California.

“I’m out of the hospital and back to work… Looking forward to the future,” pahayag ng guwapong singer.

May lumabas na balita na sa isang mansyon sa Malibu, California na pag-aari umano ng isa sa mga executive officer ng AI magpapagaling ang Idol winner.

Pagkatapos ng makapagpagaling, raratsada na ng trabaho ang 21-anyos na singer at maghahanda na rin sa Season 11 Idol summer tour na magsisimula sa Hulyo 6.

“If I can sing with all those kidney stones in me, I can make the first date,” ayon sa binata.

Ayon sa ulat, itinago talaga ni Phillip ang kanyang sakit dahil ayaw niya na kinaaawaan siya.

Makakasamaa ni Phillip sa Idol tour si Fil-Mexican-American Jessica Sanchez at iba pang kapwa contestant sa season 11.

Itinakda naman ang Idol Tour sa Pilipinas sa Setyembre (2012).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply