PHL nanatili sa Tier 2 ng US sa human trafficking

NANATILI sa Tier 2 Category ang Pilipinas kaugnay ng paglaban sa human trafficking.

Batay ito sa 12th Annual Trafficking in Persons Report ng US State Department.

Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ang pananatili ng bansa sa Tier 2 status ay isang mahalagang pagkilala sa agresibong inisyatibo at programa ng gobyerno para tuluyan nang mawaksi ang human trafficking.

Tinukoy sa ulat ang mas mataas na pondo na inilaan ng gobyerno para malutas ang problema sa pamamagitan ng Inter-Agency Council Against Trafficking.

Sinabi ni De Lima na aabot sa isa’t kalahating milyong dolyar na katumbas ng halos P65 milyon  ang inilaan ng gobyerno para suportahan ang operasyon laban sa human trafficking at tustusan ang gastusin para mausig ang mga hinihinalang nasa likod ng nasabing krimen.

Binanggit din sa ulat ang mga inihaing kasong kriminal at administratibo laban sa mga kawani ng gobyerno na hinihinalang kasabwat ng mga sindikato ng human trafficking.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply