PHL vessels sa Scarborough ibalik — DND

HINILING ng Department of National Defense (DND) kay Pangulong Noynoy Aquino III ang pagde-deploy ng mga barko ng Pilipinas sa pinagtatalunang Scarborough Shoal.

Ang mungkahi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ay bunsod ng pagmamalaki ng China na hindi nito tatanggalin ang kanilang mga barko sa bahagi ng dagat.

Matatandaan na nagkaroon ng miscommunication ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at ng Tsina nang ipag-utos ng Pangulo na pabalikin ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sanhi ng masungit na lagay ng panahon.

Gayunman, iminungkahi ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas, Jr. na pag-usapan ng mga bansang umaangkin sa South China o West Philippine Sea ang kanilang mga sigalot upang makapagbuo ng isang kasunduan sa hatian sa teritoryo ng mga bansang nakapaligid dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply