PHL Water Polo silat sa game 1 vs Singapore

SINGAPORE — Kahit inabot ng pulikat at matinding hirap ng katawan, itinodo na ng All-Star Philippine Water Polo Team ang kanilang lakas upang ilaban ang bansang Pilipinas kontra sa malakas na team ng Singapore sa umiinit na bakbakan sa Asian National Water Polo Championship na ginaganap dito.

Natalo ang Pilipinas sa laban subalit pinahirapan nila ng husto ang mga kalaban na sa kabila na ito ang kanilang unang pagsabak sa nasabing laro ay hindi nila pinabayaan ang bansa at talagang lumaban sila nang lunuran at patayan sa swimming pool.

“Talagang makikita na handang handa ang mga kalabang bansa sa palaro, pero sa kabila na ito ang unang pagsabak natin sa larong ito ay ibinigay namin ang tapang at lakas para ikarangal tayo ng bansang Pilipinas,”   ani Team Captain Karlo Miguel Salonga.

Habang sinusulat ang laban ito ay sumasabak muli ang Pilipinas kontra sa Malaysia na binubuo rin ng malalakas na atleta.

Ayon kay Col. Ariel Querubin, head ng delegation sa Singapore, medyo hirap talaga ang ating mga manlalaro dahil ang water polo ang paboritong sports ng mga bansang ating makakalaban.

“Parang ito ang national sports ng mga bansang kalaban natin, pero tayo hindi kilala ang larong ito sa ating bansa subalit ang nakatutuwa ay talagang nakikipagpatayan ang ating mga manlalaro upang manalo sa larong ito,” dagdag pa ni Querubin.

Nangako naman ang ibang miyembro ng team na sina Lenard Louie Avelino, Gerrol Castillo, Kenley Wong, John Serrano, Paul Gabriel Hofer, Kristian Leonardo Libat, Jeremiah Tolentino, Jeffrey Pelosa at Jeron Mercader na gagawin nila ang lahat upang kahit paano ay manalo ang Philippine Team.

“Kahit malaki sila ay kayayanin naming manalo para sa bayan,”wika ni ani Avelino, assistant team captain ng koponan.

Muling nagpasalamat ang delegasyon sa San Miguel Corporation sa pangunguna ni presidenteng si Ramon S. Ang dahil sa wala nitong sawang pagtulong sa koponan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply