Pilipinas ‘di pa ganap na malaya– ret. Arch. Cruz

IPINAGDULDULAN ni retired Archbishop Oscar Cruz na hindi pa ganap na malaya ang Pilipinas dahil naniniwala siyan nakagapos pa ang mga Pilipino sa kahirapan.

Ayon kay Cruz, hindi pa rin nakakalag sa pagkakagapos ang maralitang Pilipino sa dinaranas na kaapihan at kahirapan.

Ang pahayag ni Cruz ay kasabay ng ika-114 na taon ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Binigyang diin ni Cruz na hanggang ngayon ay bigo pa rin ang gobyerno na mapalaya sa kahirapan ang mga Pinoy.

Aniya, karamihan sa mga Pinoy ay napagkakaitan ng karapatan upang maging malayang manirahan sa sarili nilang lupa na ginigiba ng kinauukulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply