Pimentel kumalas sa UNA

PORMAL nang kumalas si Senador Koko Pimentel sa United Nationalist Alliance (UNA) at tiyak na ilang araw na lang ay iaanunsyo na nito ang pagsama sa Liberal Party (LP) bilang guest candidate sa senatorial dearby sa 2013.

Ito ang balitang umikot ngayon sa mundo ng pulitika matapos ang pormal na pagpapaalam ni Pimentel sa United Nationalist Alliance (UNA) sa pamamagitan ng pagpunta nito kay dating Pangulong Joseph Estrada, na isa sa kanyang mga ninong sa kasal at pinuno ng UNA.

Hindi naman nakabibigla ang naturang pangyayari dahil lantaran naman si Mang Koko na hindi niya kayang makasama sa iisang line-up si Migs Zubiri, na inakusahan niyang nandaya sa kanya noong nakaraang 2007 election.

Maging ang tatay nitong si dating Senador Nene Pimentel ay tahasan ring nagsabi na salapi ang umiiral sa pagpili ng kandidato ng UNA kaya’t mas mabuting kumalas na lang sila sa naturang alyansa ng mga beteranong politiko.

Dahil sa mga naunang pahayag ng mga Pimentel ay tiyak namang naging matabang na ang relasyon ng mga pinuno ng UNA na sina Erap at Vice President Jojo Binay sa mga Pimentel kaya’t marapat lamang ang ginawang pagkalas ng mga taga-Cagayan de Oro.

Sa kasalukuyan ay patuloy na ang negosasyon sa pagitan ng LP at ni Mang Koko kaya’t kumpirmasyon at announcement na lang ng pagsasama ang kulang dahil mukhang isinama na sa line-up si Pimentel sa partido ni Pangulong Noynoy Aquino.

Hindi nga talaga pwedeng pagsamahin ang langis at tubig kaya’t tama lamang ang ginawa ni Pimentel na mananatiling dala ang PDP-Laban sa pagkalas sa UNA dahil mabigat din naman ang kanyang dinanas noong nakikipagpukpukan pa siya kay Zubiri sa Senate Electoral Tribunal.

Marami pang kaganapan na mangyayari bago sumapit ang Oktubre 2012, na siyang deadline sa pagsusumite ng candidacy, kaya’t maging mapagmasid lamang tayo dahil posibleng ang Nacionalista Party (NP) ni Senador Manny Villar, na kalaban noon ng LP sa nakalipas na 2010 Presidential elections ay maging magkasama sa 2013 election.

Pakatandaan natin na hindi rin pwedeng magkaroon ng alyansa ang LP at UNA dahil magkalabang mortal naman sina Binay at DOTC Sec. Mar Roxas, na hanggang ngayon ay nagbabanggaan pa sa kanilang protesta sa Electoral Tribunal.

####

Sa mga naghahangad ng tahasang pagkalinga ng pitak na ito,maaari kayong mag-email sa ba-rangayan-ni_isko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply