Pinagtaguan sa 2 crew, Jordanian tukoy na

TUKOY ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinagtataguan ng Al-Qaeda-linked Abu Sayyaf group na may hawak sa Jordanian Al Arabiya Southeast Asia Bureau Chief na si Baker Atyani at ang kanyang dalawang Filipino crew members, pahayag ni Deputy Commander for Marine operations of Naval Forces sa Western Mindanao Col. Jose Johriel Cenabre.

Sa katunayan, nakita, aniya, ng kanyang mga tauhan ang bandidong grupo kasama ang tatlong mamahayag pero hindi naman ibunulgar nito ang eksaktong lugar ng mga bandido para sa kaligatsan na rin ng mga bihag.

“We know where they are, kaya lang mobile pa nga. Hindi pupuwede na we are hasty in everything that we do,” pahayag ni Cenabre sa isang phone interview.

Idinagdag pa nito na ang tatlong bihag ay hindi tinututukan ng baril kaya hindi tumatakas pero hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye hinggil dito.

Nauna rito, kinumpirma naman ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na si Atyani at ang kanyang dalawang Filipino crew na sina Rolando Letrero at Ramelito Vela, ay ikinostudiya na laban sa kanilang kalooban ng mga miyembro ng Abu Sayyaf.

Sinabi ng Philippine government na hindi nila masasabi na ang kaso ni Atyani ay isang kidnapping incident, dahil nakakasa pa ito ng panayam sa ilang miyembro ng Abu Sayyaf nang walang sagabal o sa kanyang sariling pagpupursige.

Wala pang hinihinging ransom sa 3 TV crew sa Sulu

HABANG ikinokonsidera ng awtoridad na nawawala ang tatlong miyembro ng news team ay mga hostage na ng Abu Sayyaf, blangko pa rin ang pulisya kung ransom ang tunay na motibo sa kanilang pagdukot.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Nicanor Bartolome na, “pinaghahanap pa rin natin sila. Wala naman ransom note so parang napakahirap sabihin they were kidnapped for ransom.”

Sinabi rin nito na ang awtoridad ay namomonitor  ang kanilang mga galaw ng television team pero tumanggi itong idetalye at sinabi na ang lahat ay “operational matters.”

Nananatiling nawawala si Jordanian reporter Baker Atyani ng Al Arabiya at ang kanyang Filipino crew na sina Rolando Letrero at Ramelito Vela.

“We have monitored some movements but I cannot elaborate on this,” pahayag pa ni Bartolome.

Nitong nakaraang Sabado lamang, sinabi ni Interior Secretary Jesse Robredo na ang tatlo ay pinipigil na laban sa kanilang kagustuhan at ikinokonsiderang mga hostages.

Pero sinabi ni Bartolome na para sa PNP, ang tatlo ay ikinokonsiderang nawawala.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply