Pinalakas ni Mayor Del ang PGS at Liberal Party

MAY emergency meeting ang League of Cities of the Philippines (LCP) kanina upang talakayin ang planong pagtaas ng Philhealth contribution sa higit doble.

Ayon kay Mayor Del de Guzman ng Marikina, malaki ang epekto nito dahil tulad sa Marikina LGU na ilang libo ang Philhealth members, mahahati ang maaaring bayaran ng city hall.

Dagdag pa rito ang planong pagtanggal ng 50% subsidy na dini-discount ng Philhealth sa mga LGU. Dati, ang 50% ay pinupunuan ng PCSO, Pagcor, atbp. Sa pagtanggal nito, lalo pang mahahati ang kayang bayaran ng mga lokal na pamahalaan.

Ang premium natin ay 1.25% ng salary base ng salary range bracket kung saan tayo nabibilang. Kalahati lamang ito dahil ang employers naman natin ang nagbabayad ng isa pang 1.25%.

Sinubukan nating kontakin ang PIO ng Philhealth sa kanilang trunkline na 4417444 ngunit walang sumasagot. Calling Dr. Eduardo P. Banzon!

* * * * * * *

Ang Performance Governance System (PGS) team ng Marikina ay muling binuo ni Mayor Del para i-update ang roadmap nito ayon sa 7K program at governance philosophy nito na “Sa Tunay na Kaunlaran, Tao Naman.”

Ang PGS ay isang corporate management tool na ginawa ng Harvard Business School at dinala sa Pilipinas noong 2000 ng Institute for Solidarity in Asia. Ito ay initiated sa Marikina noong 2008. Naging Compliant ang Marikina at umangat sa Proficient status na 3rd sa 4-level Governance Pathway ng PGS.

Sa pag-convene muli ng PGS ay tina-target ng Marikina ang pinakamataas na “Institutionalized” level ng PGS para makapantay na ang mga leading advocate ng PGS tulad ng San Fernando, Pampanga; San Fernando, La Union; Tagbilaran, Bohol; Iloilo City; Dipolog City; at Talisay, Negros Occidental. Kudos kina Ed Francisco, Gloria Buenaventura, Julie Borje, Jun Aguilar, at Engr. Rommel Felipe na tagataguyod nito sa Marikina!

* * * * * * *

Umuugong ang balita na nag-caucus ang Liberal Party ng Marikina sa kabundukan ng Laguna kailan lamang para palakasin ang partido nito sa darating na eleksyon. Nahirang bilang district coordinators sina Domeng “Barako” dela Paz, ABC president at kapitan ng Brgy. Santo Niño (District 1), at si Kap Odie Franciso ng Concepcion Uno (District 2). Marami ang natuwa sa pagpapakita ng solidarity ng Liberal Party sa Marikina. Matatandaan na sa Marikina lang, sa 17 LGUs ng Metro Manila, nanalo si Mar Roxas sa VP bid nito nung 2010.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply