Pinas di lalahok sa Hawaii naval exercises

WALANG balak ang Pilipinas na sumali sa 22 bansa na kalahok sa Hawaii naval exercises o Rim of the Pacific Naval Exercise.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte,  may naka-iskedyul na bilateral naval exercise ang bansa sa Estados Unidos sa darating na Hulyo  2 hanggang 10.

“We are not participating in the actual naval exercises. However, we have sent observers to be part of the multinational staff. So, doon po sa actual naval exercises hindi po tayo nagpa-participate,” ayon kay Usec. Valte.

Tiniyak naman ni Valte na ide-deploy ang mga barko ng bansa sa nakatakdang bilateral naval exercises.

“This bilateral naval exercise is part of the Mutual Defense Board exercises. As I mentioned, that will take place from July 2 to July 10 somewhere in Eastern Mindanao. This is under CARAT—‘yung Cooperation Afloat and Readiness Training Exercise po natin. On the part of the Philippine Government, ang participants po natin ‘yung Philippine Navy, ‘yung Philippine Coast Guard. And in the part of the United States, ‘yung Navy po nila at ‘yung Coast Guard. Si Admiral Pama will be giving you more of the details as the…habang papalapit na po doon sa actual date of the exercises,” ani Valte.

Tinuran pa rin ni Usec. Valte na kung hindi man imbitado ang China sa naval exercises kasama ang Estados Unidos ay hindi naman iyon nangangahulugan na nagkampihan na ang dalawang bansa laban sa mga tsinoy.

May 42 barko, 6 na submarines, at mahigit sa 200 aircraft at 25,000 personnel sa 22 bansa ang lalahok sa biennial Rim of the Pacific exercise na nagsimula Hunyo 29 hanggang Agosto 3, sa loob ng Hawaii at sa kapaligiran nito. Kasama sa naval exercise ay ang unit at personnel mula Australia, Canada, Chile, Colombia, France, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Mexico, Netherlands, New Zealand, Norway, Peru, the Republic of Korea, Philippines, Russia, Singapore, Thailand, Tonga,  United Kingdom at United States.

“RIMPAC provides a unique training opportunity that helps participants foster and sustain the cooperative relationships that are critical to ensuring the safety of sea lanes and security on the world’s oceans. The series began in 1971,” the Navy said in a statement.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply