Pinay Cinderella

GLASS shoes, prince charming at fairy god mother- Sino ba ang hindi nakaaalala sa mga tauhang ‘yan na mula sa isa sa mga pinakapopular na kuwento ng ating kabataan? – ang Cinderella.

Mula sa pagiging isang mahirap at sa pang-aapi ng kanyang step mother at dalawang wicked step sisters ay nakaahon sa hirap at naging prinsesa si Cinderella nang makilala niya ang kanyang prince charming, at gaya ng tradisyonal na nakagawian natapos ang kanyang istorya sa- And they lived happily ever after.

Marami ang hindi naniniwala na maaring magkatotoo at mangyari sa totoong buhay ang mala-pantasyang kwentong iyan, subali’t sa minsan kong pagbisita sa bansang Thailand ay nakilala ko ang ‘Pinay Cinderella’- Si Virginia Dilute- Sorensen.

Ipinanganak at lumaki si Virginia sa probinsya ng Leyte. Mahirap lamang ang kanyang pamilya. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang isang karpintero at construction worker at ang kanyang ina ay isang simple at ulirang maybahay.

Bata pa lamang si Virginia ay nangangarap na siyang makapagtapos ng pag-aaral dahil na rin sa pagnanais na makaahon sa buhay. Subalit nang makapagtapos ng highschool ay hindi na nakaya pang tustusan ng pamilya niya ang kanyang pag-aaral kung kaya’t nagdesisyon siyang lumuwas sa Maynila at doo’y mamasukan upang may maipangtustos sa kanyang pag-aaral at kahit papaano’y makatulong sa pamilya.

Pinalad siyang makahanap ng trabaho sa Cavite City. Doon ay namasukan siya bilang isang katulong at kung minsa’y saleslady.

Sa kabila ng hirap at liit ng sweldo niya, nag-enrol siya sa kolehiyo. Noon niya nakilala ang foreigner na si Erik Sorensen, isa itong Norwegian at noon ay nagbabakasyon sa Pilipinas.

Naging magkaibigan si Virginia at Erik. Madaling nagkalapit ang kanilang loob, kung kaya’t kahit na natapos na ang bakasyon at umalis na ng bansa si Erik ay hindi pa rin nawala ang kanilang komunikasyon, hanggang sa tuluyang mahulog ang loob nila sa isa’t isa at magdesisyong magpakasal.

Bagama’t may agam-agam ang pamilya ni Virginia sa pagpapakasal nito kay Erik, dahil na rin sa alam ng mga ito na hindi biro ang pagpapakasal sa isang dayuhan sapagkat magkaiba ang kultura at paniniwala nito ay sinuportahan pa rin nila si Virginia sa kanyang desisyon.

Sa Thailand nanirahan ang dalawa, sapagkat naroon ang mga negosyo ni Erik na restaurant at isang open bar.

Bagama’t nanibago si Virginia sa bagong kapaligiran at buhay ay madali rin naman siyang nakapag-adjust dahil na rin sa pagmamahal at pag-alalay ni Erik.

Naging maginhawa ang buhay niya at nabigyan siya ng pagkakataon na makatulong, bilang chairman ng Associations of Filipinos in Thailand, hindi lamang sa mga kababayan natin roon, kundi maging sa mga iba pang residente roon, na ayon sa kanya ay isang paraan na rin ng pasasalamat niya para sa lahat ng biyayang kanyang tinatamasa.

Sa tagumpay na kanyang tinatamasa, maging si Virginia ay hindi makapaniwala na magiging mala-Cinderella ang kuwento ng kanyang buhay, ngunit ito ay nagpapatunay na ‘sometimes fairytale do come true’.

Who knows your fairytale might be the next.

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply