Pinay Keglers pasok sa finals sa Hongkong int’l bowling

UMABANTE sa finals ang apat na mahuhusay na Pinay keglers mula magkakaibang dibisyon ng 38th Hong Kong International Open Tenpin Bowling Championships na idinaraos sa Hong Kong Bowling City sa Kowloon.

Nakasikwat ng final place mula sa tagisan ng 24-player sina Kim Yap, Cecilia Yap at Sheena Go matapos ang two-series qualifying round sa women’s open division sa torneong may basbas ng Asian Bowling Federation.

Naka-5th place si Kim nang umani ng 1,358 pins mula sa 741 at 617 produksiyon at tumiyak din ng sa finals ang dating world trio champion na si Cecilia dahil sa inilistang 1,248 pins buhat sa 626 at 622 sapat sa ika-12 posisyon.

Naging mabangis din si Go na kailan lang ay naka-pilak sa women’s graded event ng 45th Singapore International Open 2012, sa itinalang 1,223 pins mula sa 614 at 609 para okupahan ang 14th place.

Unang-una sa qualifying si Shalin Zulkifli ng Malaysia na may 1,415 (713 at 702) pumangalawa sina Julia Lam ng Macau na may 1,390 (720 at 670) at Shayna Ng ng Singapore na may 1,379 (714 at 665).

Umentra ang bagitong si Alessandra Madrigal sa finals ng women’s Grade A nang kunin ang unang puwesto sa qualifying round.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply