Pinoy, 3 pang foreign national dinukot sa Kenya

PATAY ang driver habang dalawa pa ang sugatan nang dukutin ng mga armadong kalalakihan ang isang Filipino aid worker kasama at tatlo pang foreign national sa isang refugee camp sa Kenya kahapon ng umaga, Biyernes (Hunyo 29).

Base sa Somalia Report, ang tatlong foreign nationals ay nagtatrabaho sa Norwegian Refugee Council (NRC) na taga-Canada, Norway at Pakistan.

Ayon pa sa Somalia Report, naganap ang pandurukot bandang alas-10:00 ng umaga (local time), sa Ifo2 West Dadaab Refugee Camp, isang Kenyan refugee camp sa 100 kilometro ng Somali border.

Nakilala ang mga biktimang aid workers na sina Glenn Cotes, shelter project officer (Pilipinas), Stephen Denis, head ng emergency program (Norway), Korat, country director (Canada) at isang livelihood officer mula sa  Pakistan.

Nakilala naman ang nasawing driver na binaril ng mga suspek na si na si Abdi Ali.

Nabatid na unang araw ng mga ito na bumisita sa naturang camp mula sa Nairobi.

Base pa sa report, ang apat na suspek ay sakay ng isang sasakyang may nakalagay na “UNHCR property” sa tagiliran nito.

Naniniwala naman ang awtoridad na hindi pa nakakalabas ng Kenya ang mga suspek at nagtatago lamang sa kasalukuyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply