Pinoy aasenso kay PNoy

DAHIL sa political will at pagmamalasakit sa bayang ipinakikita ng pinuno ng bansa na si Pangulong Noynoy Aquino, tiyak na magpapatuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Kitang-kita ang katotohanang ito matapos ihayag ng National Economic Development Authority na lumago ng 6.4% ang ekonomiya ng bansa ngayong 1st quarter ng taong 2012.

Positibo rin ang NEDA sa pahayag ng pinuno nito na si Sec. Arsenio Balisacan na namamantine ng Pilipinas ang lima hanggang anim na porsiyentong pag-angat ng ekonomiya ngayong 2012 at kung talagang papalarin ay posible pang lumampas rito.

Maging ang ibang bansa sa rehiyon ng ASEAN ay naiwan na rin ng Pilipinas sa paglago ng ekonomiya maliban lang sa China na alam naman nating panahon ngayon.

Korapsyon ang ugat ng kahirapan kaya’t iyan ang unang tinutukan ni PNoy dahil malinaw naman na kung hindi lang grabe ang kurakutan sa bansa ay matagal nang nakaahon ang Pilipinas sa kumunoy ng kahirapan.

Maging ang manufacturing sector na bagsak noong isang taon ay nakababawi na sabi ng NEDA at siyempre ang kahulugan nito ay karagdagang trabaho para sa sektor ng manggagawa.

Bukod sa manggagawa ay matutumbok din ng paglago ng ekonomiya ang mahihirap dahil kapag umaangat ang estado ng bansa lalo na sa aspetong pang-ekonomiya, tiyak karagdagang biyaya ito sa mga anak-pawis sa pamamagitan ng karagdagang basic services.

Tama at tuwid na daan ang binabagtas ng economic team ng bansa sa sagwan ni Pangulong Aquino kaya’t walang imposible sa kasalukuyan dahil nakikita ng mga investor ang sinseridad ng ating pinuno sa pagpapatakbo ng bansa na walang hokus pokus sa kanyang liderato.

Marami pang biyayang matatamo ang estado sa magandang ekonomiyang tinatahak ni PNoy kaya’t sabay-sabay lang tayo sa pagpapaangat nito lalo na sa pagpapaganda ng imahe ng Pilipinas sa buong mundo.

###

Para sa tahasang pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-e-mail sa barangayanni_isko@yahoo.com o mag text sa 09336363310.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply