Pinoy boxer namatay sa laban

NAMATAY makaraan ang dalawang araw si reigning Mindanao Professional Boxing Association (Minproba) featherweight champion Ermelito “Job” Alim Jr. matapos na tagumpay niyang mapanatili ang korona via unanimous decision noong Martes sa Rosario, Agusan del Sur.

Kumulapso si Alim, 20-anyos sa ring matapos siyang tanghaling panalo laban kay challenger Ahl Grumo sa 10-round championship bout. Agad siyang isinugod sa ospital sa Agusan pero inilipat sa Tagum City.

Si Alim, na unang dumedepensa ng kanyang titulo ay inilipat sa isa pang ospital sa Southern Philippine Medical Center sa Davao City noong Miyerkules.

Pero idineklara na siya ng doktor na wala nang buhay noong Huwebes ng alas-9 ng umaga.

“May pumutok daw na ugat sa kanyang leeg sabi ng doctor,” ayon sa manager ni Alim’s at trainer na si Vicente Adriano na nagsabi na hindi naman daw nasaktan ang kanyang boxer at hindi napuruhan ng suntok sa laban.

Pinabagsak pa nga ni Alim si Grumo sa 6th round pero nagdahan-dahan sa sumunod na apat na rounds.

“Sumusontok pa rin si Alim pero hindi na masyado malakas,” anang 65-anyos na si Adriano.

Nakipagbakbakan din ang nakatatandang kapatid ni Alim na si Rosel sa undercard at gulpihin din nito ang nakababatang kapatid ni Grumo na si Meljo.

“Sayang si Alim, he was already scheduled to fight on August 18 in the Kadayawan here,” ani Adriano.

Ang 5-foot-7 na si Alim ay may 16 na laban, apat na talo at dalawang tabla at  walo ang knockouts.

Tutulungang pinansiyal ng Mindanao Professional Boxing Association (Minproba) president Yollly Alfante ang pamilya ni Alim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply