Pinoy fishermen mula Sri Lanka nakauwi na

NAKABALIK na sa bansa ang apat na mangingisdang Pinoy na minaltrato ng kanilang kapitan at mga kasamahan sa Sri Lanka.

Kinilla ang apat na sina Roger Rayos; Wilson Briones; Bryan Mapaye at Marvin Latagan na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Thai Airways flight TG 620 dakong alas-11:55 kahapon ng tanghali.

Inabandona ng mga Pinoy fishermen ang kanilang sinasakyang barko sa Colombo matapos na dumanas umano nang matinding pagmamaltrato sa kanilang ship captain dahil sa sobrang oras ng pagtatrabaho at halos wala na umano silang tulog. Dalawang beses lamang din umano sila kung bigyan ng pagkain kada araw.

Sa kanilang salaysay, noong Mayo 4 ay umalis sila sa Pilipinas at sumampa sa barko ng Bintang Timur na pag-aari ng Malaysian based-company sa Phuket, Thailand ng kasunod na araw.

Dahil sa pagtulong sa apat na Pinoy, pinasalamatan ni Philippine Ambassador to Bangladesh Bahnarim Guinomla na siyang may sakop din sa Sri Lanka, si Consul General Perera na siyang tumutok na masagip ang apat hanggang sa mapauwi sa bansa.

Sa tulong Philippine Honorary Consul sa Colombo, inalalayan ang mga biktima na makauwi sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, inirereklamo ng mga mangingisdang Pinoy ang matinding pagod dahil sa sobra-sobrang oras ng pagtatrabaho, kakulangan sa pagkain at pang-aabuso ng kanilang mga kasamahan at kapitan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply