Pinoy nadaya na naman!

DALAWANG magkasunod na pangyayari ang nagpabagsak sa balikat nating mga Pinoy. Una, ang kababayan nating si Jessica Sanchez ay natalo ng American singer na si Phillip Phillips.

Kahit kumain ng apoy at magtutuwad itong si Phillips ay wala talaga siyang panalo kay Jessica. Ewan natin at ang sabi ng American Idol management, marami raw kasing Kano ang bumoto sa manok nila. Iyon lang, mas mayaman sila kesa sa atin. At ang butohan ay nangyari lamang sa teritoryo ng mga puti.

Homecourt decision ang nangyari, ika sa larong boxing.

Speaking of boxing, natalo naman daw si Manny Pacquiao sa kalaban nitong American na si Timothy Bradley. Sus ginoo!

Kitang-kita naman ang laban, sobra lang sa ikot at likot itong si Bradley pero hindi s’ya nakatatama ng solidong suntok sa ating Pambansang Kamao. How come na nanalo ang lintek na ‘to?

At malinaw ang panuntuan sa professional boxing: Kailangan magpakita ng kombinsidong galaw, patama at agresibong laban ang challenger para sabihing nanalo siya sa laban. Eh, sa labang nangyari, sobra lang sa bitamina si Timoteo kaya bibo, pero bobo pa rin ito kung ikukumpara sa beteranong si Pacman.

Sa loob nang 12 rounds, sa apat na rounds lang nakalusot ng suntok ang negritong ito sa ating idol, and the rest ay kinopo nang lahat ng huli.

At first time lang na nagsalita si Manny na panalo siya. Never niya itong sinabi sa mga kontrobersyal na panalo niya kay Juan Manuel Marquez, dahil sa totoo lang, sa sarili n’ya, ay ‘di rin s’ya sigurado na siya ang panalo dahil sa sobrang galing din ni Marquez. Nakasasabay ito sa mga bira niya. Ang lakas nito ay hindi matatawaran. At kilala ang Mexican boxer bilang pinakamagaling na counter-puncher.

Pero rito sa laban niya kay Timoteo ay para lang siyang nasa-sparring session. Nagkataon lang na may kagalingan din ito pero hindi sapat para talunin s’ya. Kahit magpitpitan ng balls, talo ang negrong ito sa kayumanggi nating kababayan.

***

MALUHA-LUHA naman si Jinkee Pacquiao nang i-announce ang nanalo. Hind siya makapaniwala. Kitang-kita sa screen na natulala s’ya. Maging ang mga nanoood nang live ay shocked. Sigaw sila nang sigaw kay Manny na patulugin na si Bradley dahil yun na lang naman ang kulang para may kulay ang panalo ng una, ngunit nang sabihin na ang winner, talo pa ang congressman ng Saranggani province.

***

ANG corner ni Timothy Bradley ay shocked din sa panalo ng alaga nila. Namutla ang mga ito. Maging sila ay hindi nila inaasahan ang disisyon na yon na papabor sa kanila dahil alam din nila sa kanilang mga sarili na lota ang alaga nila. hehehe!

***

MAY kutob ang marami na pakana ni Bob Arum ang lahat nang ito para magkaroon nang rematch at kumita naman siya ng malaki. Since si Timothy Bradley ay parang kahawig din ni Mayweather sa kilos at sa pagkamatabil kaya akmang-akma para sa kanya na ito ang tamang pamalit ng huli laban kay Manny.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply