Pinoy Olympians lalarga na

SA SUSUNOD na buwan na mag-uumpisa ang 30th Summer Olympic Games sa July 27 na gaganapin sa London.

Kaya naman para magamayan ang klima sa nasabing venue ay pauunahin na ang ibang Pinoy athletes doon.

Aalis ngayong gabi sina swimmers Jessie Khing Lacuna, skeet shooter Paul Brian Rosario at Fil-Arabian Jasmine Alkhaldi.

Sasa ilalim na rin sa free training camp ang unang batch na aalis bago sumalang at makipag-agawan sa mailap na gold medal sa nasabing prestihiyong event sa buong mundo.

Babaunin naman ng mga atletang lalarga ang good luck ni President Benigno Aquino III na nakasama nila sa sendoff party noong Lunes.

Kasama sa 16 na bibiyahe mula Hong Kong sakay ng Cathay Pacific sina coaches Carlos Brosas (swimming) at Josefina Corral (shooting) at administrative officer Arsenic Lacson.

Nakatakda naman lumarga si weightlifter Hidilyn Diaz kasama ang coach niyang si Antonio Agustin sa Hulyo 1 at susunod sa London sa Hulyo 4 sina long jumper Marestella Torres, long distance runner Rene Herrera at coach Joseph Sy.

Sa Hulyo 19 naman ang ibang atletang maninilo ng gintong medalya para sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply