Pinoy seafarers pinalaya na ng Somali pirates – DFA

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinalaya na ng Somali Pirates ang binihag na isang barko noong nakaraang taon at kasalukuyan ng naglalayag patungo sa Salalah Oman.

Ayon kay Raul Hernandez, tagapagsalita ng DFA, agad nilang iniatas sa embahada sa Muscat na salubungin at tulungan ang mga tripulanteng mga Pinoy kapag makadaong na sa dalampasigan ng Salalah upang maibigay ang pangangailangan ng mga nabihag.

Ang Chemical oil tanker vessel ay dinukot noong Oktubre 31, 2011 kung saan halos karamihan ng mga tripulante ay mga Pinoy.

Ang magandang balita nangyari sa mga Seafarers ay naipabatid na rin sa tanggapan ng DFA sa Manning Agency ng mga ito at ipanaalam na rin sa kani-kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan ay may 45 Filipino Seafarers mula sa limang barko ang bihag pa hanggang sa ngayon ng mga Pirata sa Gulf of Aden.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply