Pinsala ng bagyong Ondoy, di na mauulit – Palasyo

MALABO nang maulit ang pinsalang dulot ng bagyong Ondoy sa bansa dalawang taon na ang nakakalipas.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang na patuloy na tinatapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang comprehensive program para maiwasan ang malubhang pagbaha sa Kalakhang Maynila.

“As you know the rainy season has come and the President has expressed concern about flooding particularly in Metro Manila. The idea, according to Secretary Babes Singson, is to increase the holding capacity of the Pasig River,” ani Carandang.

Maisasakatuparan lamang, aniya, ito sa pamamagitan ng pagpapalawig ng ilog Pasig, pagpapataas ng River walls at pagpapalalim pa ng hukay para sa holding capacity ng river walls.

“So all of these little projects added up to a number of developments here along the Pasig River which the President went to inspect this morning. This is Phase II of the Pasig-Marikina River Channel Improvement Projects. It’s about 99 percent complete. Then there is Phase II-A which is about 87 percent complete.  So these projects 99 percent complete for Phase II, for Phase II-B it’s 87 percent complete. Again, the idea here is to increase the holding capacity of the river so that it doesn’t overflow so easily the next time there’s a storm,” ang pahayag ni Sec. Carandang.

Ito, aniya, ay bahagi ng comprehensive anti-flooding project.

Ang DPWH at DENR at iba pang departamentong may kinalaman dito ay magpapalabas ng isang master plan para sa flood management sa Metro Manila at sa mga karatig-lugar nito.

“Hindi pa po 100 percent complete itong master plan na ito. But basically, what causes flooding in Metro Manila is when you have strong rains, the Wawa River tends to overflow into this tributaries which eventually lead to Pasig River. And because the volume of water is so great, you end up with floods in the Metro Manila area,” ani Carandang.

Ang iba pang Phases ng proyekto sa oras na maaprubahan ay awtomatikong lilikha ng retarding basins sa may daan ng Ilog bago pa makarating ng Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply