Pinsala ng cellphone towers

DAPAT nang suriin ng pamahalaan ang pinsalang dulot ng mga cellphone tower na naglipana ngayon sa buong bansa.

Nagpapasalamat tayo sa mga umaalma sa itinatayong cellphone tower ng Smart Telecoms sa MH del Pilar, Malate, Manila dahil ngayon ay alam na natin ang mga pinsalang dulot nito sa ating kalusugan.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit mukhang walang ginagawang hakbang ang mga kagawaran ng pamahalaan ukol dito, katulad ng Department of Health, Department of Environment and Natural Resources at maski na ang Department of Transportation and Communications.

Marahil ay hindi agad nakikita ang pinsalang ito dahil ang radiation na nanggagaling sa mga cell-site ay dahan-dahan at hindi kapansin-pansin.

Malalaman mo lang na malala na ang iyong sakit kapag nakaratay ka na sa banig ng karamdaman.

Ang radiation na ito ay nagdudulot ng cancer at iba pang nakamamatay na sakit subalit ni wala man lamang babala ang DOH sa atin.

Siguro ay dahil ang DOH ay abala sa pagbibigay kuno ng katakot-takot na libreng condoms sa ating mga kababayan na ang puntirya ay ang ating naghihikahos na bansa.

Milyon-milyong pera ang ginagastos ng DOH sa pagbili ng sangkatutak na condoms para ipamigay nang libre sa ating mga mamamayan.

Magkano kaya ang komisyon na tinatanggap ng mga mapapalad na ahente ng condoms sa DOH?

Wala ring ginagawa ang DENR upang uriratin ang bad effects ng cellphone towers sa ating kapaligiran.

‘Yang mga tower na iyan ay katulad din ng mga minahan na iniiwang nakatiwangwang sa ating mga kabundukan at mga ilog na ang epekto ay cancerous din.

Unti-unti nitong pinapatay ang mga naninirahan sa mga mining site na ito.

Ang may-ari ng Smart ay may-ari rin ng mga minahang nakalalason sa ating environment.

Ang isa pang problema ay ang Araneta Coliseum na ka tie-up ng Smart. Ang Smart-Araneta (yan ang bagong pangalan ng coliseum) ay pag-aari ni Mar Roxas na kalihim ngayon ng DOTC.

Paano iimbestigahan ng DOTC ang Smart Telecom towers?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply