Pintor tinarakan sa inuman, tepok

PATAY ang isang pintor matapos saksakin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakikipag-inuman sa Caloocan City kagabi (Hunyo 25).

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Rodrigo De Vera, 47 ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-9:00 kagabi, kainuman ng biktima si Romy Alvarez sa tindahan sa nasabing lugar nang sumulpot ang suspek na armado ng kahoy at patalim at sinugod si De Vera.

Nagpambuno ang dalawa at naagaw ng biktima ang pamalo subalit hindi natinag ang suspek at nasaksak ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng una.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply