Pippen, Rodman lalaro sa UAAP selection

MAGLALARO ang mga basketball legends na sina Scottie Pippen at Dennis Rodman at iba pang dating  NBA stars sa kanilang pagbisita sa Maynila  para maglaro kontra sa mga napiling collegiate basketball plaers sa susunod na buwan.

Ayon sa Rivals Philippines, ang NBA veterans ay makikipagtagisan kontra sa all-star squad mula sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa Hulyo 18.

Ang laro ay itatakda sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang iba pang NBA veterans na makakasama ni Pippen at Rodman ay ang mga pointguard na sina Jason Williams, Cliff Robinson, Bryon Russel, Chris Campbell, Jeff Trepagnier, Alex Foyle at Choroy Bentley.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply