Pirates hahanapin ang unang panalo

HAHANAPIN ng Lyceum of the Philippines Pirates ang unang panalo laban sa Perpetual Help Altas sa season 88 ng NCAA senior basketball tournament bukas, (Hunyo 28) sa The Arena San, Juan.

Nalugmok ang Pirates sa una nilang laro kontra College of Saint Benilde Blazers, 61-70 habang unang laro pa lang ng Altas sa ligang ito.

Mag-uumpisa ang laban ng Pirates at Altas sa alas-4:00 ng hapon.

Pangalawang taon na ng LPU subalit problema pa rin ni Pirates coach Bonnie Tan ang pagre-reruit ng players.

Nakaraang taon ay galing sa intramurals ang ibang players niya at ganun pa rin ang nangyari ngayon kaya naman ayon sa kanya ay mahirap subalit pipilitin nilang malampasan ang na-achieve ng Lyceum sa season 87.

Anim na player ang nawala sa team ng LPU kaya naman kinailangan na kumuha sila mula sa intramurals at sa Team B nila.

Ayon pa kay Tan, may mga transferees sila kaya lang ay nagre-residency pa sila.

Sasandalan ng Pirates ang beteranong sina Chris Cayabyab, Floricel Guevarra at Joggy Laude habang sa Altas ay kay Jett Vidal pa rin kukuha ng lakas sa opensa.

Samantala, maghaharap naman sa main game sa ganap na 6 ng gabi ang Jose Rizal University Heavy Bonbers at Arellano U Chiefs.

Nagwagi ang Heavy Bombers sa una nilang salang laban sa Mapua Cardinals, 65-64 habang dalawang sunod na kabiguan na ang nalasap ng Chiefs.

Natalo ang Arellano sa defending champion San Beda College Red Lions, 71-81 at pagkatapos ay sa Emilio Aguinaldo College General naman sila nabigo, 72-75.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply