Piskal sa Sarangani guilty sa kasong bribery

NAPATUNAYANG guilty ang isang piskal ng Sarangani at kanyang aide kaugnany sa kasong bribery o panunuhol.

Dahil dito, nanalo sa kaso ang tanggapan ng Ombudsman.

Sa pinadalang statement ngayong Hunyo 26 ng Office of the Ombudsman, sina Alfredo Barcelona, Jr., provincial prosecutor ng lalawigan ng Sarangani at Violeto Novio, personal assistant ng piskal, ay napatunayan ng Sandiganbayan na guilty sa kasong direct bribery alinsunod sa Article 210 ng Revised Penal Code.

Sa sinulat na desisyon ni Associate Justice Alexander Gesmundo na kinatigan nina Associate Justices Roland Jurado at Napoleon Inoturan, ng Sandiganbayan Fifth Division, sina Barcelona at Novio ay ginawaran ng dalawang taon at 11 buwan hanggang limang taon at limang buwa at 11 araw na pagkakabilanggo.

Inatasan din ang dalawa na magmulta ng tig-P15,000 dahil sa kanilang pagkakasala.

Bukod dito, pinatawan din si Barcelona ng karagdagang parusa na special temporary disqualification.

Napatunayan ng anti-graft court na sina Barcelona at Novio ay nagsabwatan upang kikilan ng P5,000 si Ludivico Ripdos, ang chief of police ng Glan, Sarangani kapalit ang pagtanggal sa pulis sa isang kasong kriminal na dinidinig ng piskal.

Sa record, inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Hulyo 26, 2004, sa isang entrapment operation si Novio sa aktong tumatanggap ng marked money mula kay Ripdos.

Ayon sa anti graft court, maliwanag ang mga ebidensiya na nagpapatunay na sina Barcelona at Novio ay nagsabwatan.

Sa panig ni Barcelona, iginiit na inutusan lamang niya si Novio na kunin ang record ng kaso mula kay Ripdos ngunit ayon sa anti-graft court, walang ligal na batayan upang atasan ni Barcelona si Novio, na hindi kawani ng korte kundi personal lang niyang kaibigan na kumuha ng mga rekord ng kaso mula sa chief of police.

“The Court also found it “puzzling why Barcelona did not ask for the records from the NBI when x x x Barcelona admitted that on July 26, 2004 he had knowledge that the records were with the NBI”, ayon pa sa desisyon ng Sandiganbayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply