Pneumonia ni Dolphy bumalik

MALUNGKOT na ibinalita ngayon ni Eric Quizon sa mamamahayag na nakaantabay sa Makati Medical Center (MMC) na patuloy sa pag-flactuate ang kondisyon ng kanilang ama na si Dolphy lalo at bumalik ang kanyang pneumonia.

Ito na ang ika-11 pneumonia na naranasan ng hari ng komedya.

Ayon kay Eric, bumaba ang blood platelets ng kanyang ama, habang mataas naman ang hemoglobin count nito, samantalang regulated naman ang blood pressure.

Sa kasalukuyan, antibiotics ang ibinigay kay Dolphy  at patuloy na sinusubaybayan ang kanyang kondisyon.

Ipinahayag din ng mga doktor ni Dolphy na nasa kritikal na kondisyon ang hari ng komedya kapag hindi agad nakabawi, mula sa araw na ito hanggang sa susunod na dalawang araw.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply