PNoy at Jessica Sanchez magkikita na sa LA

KINUMPIRMA na ng Malakanyang na tuloy na ang pagkikita nina nina Pangulong Noynoy Aquino at Fil-Mexican American Idol runner-up Jessica Sanchez sa Los Angeles.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bago bumalik ng Pilipinas mula sa one-week trip sa United Kingdom at Estados Unidos ay itutuloy muna ng pangulo ang pakikipagkita kay Sanchez sa Los Angeles, California.

Naging instant sensation si Sanchez matapos mapasok bilang finalist sa America Idol Season 11.

Maliban kay Sanchez, haharapin din ng pangulo ang Filipino community sa LA.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply