PNoy: Corona trial nagpatingkad sa diwa ng demokrasya

SINABI ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang Independence Day speech sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan na ang paglilitis sa napatalsik na si dating Chief Justice Renato Corona ay “nagpatingkad sa diwa ng demokrasya” ng bansa.

Ayon kay Pangulo Aquino, “karapatan ng bawat Pilipino na malaman ang katotohanan at maramdaman na buhay ang demokratikong sistema sa bansa.”

Ang pagpapatalsik kay Corona ang nagpapaalala sa mga lingkod-bayan na ipinahiram lamang sa kanila ang kapangyarihan mula sa taumbayan na may kaakibat na responsibilidad at pananagutan.

Tinatahak na rin aniya ng bansa ang “tuwid na landas” makaraang makabuwelo sa talamak na korapsyon.

Nagbalik-tanaw din si Pangulong Aquino sa kahalagahan ng Barasoain Church, ang lugar kung saan binuo ang 1935 Constitution.

Sa nasabi ring lugar isinilang ang unang Republika ng Pilipinas.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, nanawagan ang Pangulo na magtulungan ang pamahalaan para mapagkaisa ang lahat tungo sa “matuwid na landas.”

Nanguna rin si Pangulong Aquino sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gen. Emilio Aguinaldo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply