PNoy ‘di magpapasindak; China milk delikado

TAMA lamang na pabalikin ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Panatag Shoal.

Ito ang napapanahong desisyon ng ating Pinuno ng estado lalo’t higit alam naman nating ginugulangan lamang tayo ng China.

Malinaw naman na sa Pilipinas ang Panatag Shoal o Bajo de Masinloc dahil sakop ito ng 200-mile exclusive economic zone na isa sa mga pinagkasunduang probisyon sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Sa maikling salita, nambubuli lamang ang mga Intsik kaya’t dapat tayong maging mapagmasid at maingat dahil teritoryo at soberenya natin ang nakataya rito.

###

Nanawagan ngayon ang Food and Drug Administration (FDA) sa lahat ng consumer sa bansa na maging mapanuri sa mga gatas na kanilang binibili sa mga grocery at sari-sari store lalo’t higit ang mga made in China.

Ito ang warning ng FDA sa lahat ng mga umiinom ng gatas o nagpapadede ng gatas sa kanilang mga anak dahil napakangingilabot ang ulat na may halong kemikal na mercury ang mga gatas mula sa China na lubhang nagpapahina sa internal organs ng tao.

Maging ang “neurological development” ng isang tao lalo’t higit ang mga sanggol at paslit ay maapektuhan kapag uminom ka ng gatas na may halong mercury.

Sa pagsusuri, lumabas kasi na may ilang kompanyang Intsik na naghahalo ng mercury sa kanilang ginagawa at ibinebentang gatas.

Ayon sa FDA, magmula pa noong 2008  ay hindi na sila nagbibigay ng clearance na makapasok at maibenta sa bansa ang mga gatas galing China magmula nang pumutok ang isyu sa “melamine.”

Ayon kay Deputy Director Ronald de Veyra ng FDA, nakatutok ang kanilang ahensya sa pagbabantay pero hindi nila kayang galugarin ang lahat ng sulok ng Pilipinas kaya’t nagpapatulong sila sa madla. Nag-isyu rin ng warning ang FDA na huwag tangkilikin ang gatas na naka-repak na walang tatak dahil posibleng ito ang mga gatas na pinalusot na may halong nakalalasong kemikal katulad ng mercury.

Maging si Customs Commissioner Ruffy Biazon ay todo-bantay sa mga gatas lalo’t higit ang galing China dahil sa abiso na rin ng FDA.

Inatasan na rin ni Biazon ang lahat ng kanyang mga tauhan na maging mapagmasid sa lahat ng papasok na kargamento lalo’t higit ang gatas mula sa China dahil sa posibilidad na magdala ito ng panganib sa kalusugan ng tao.

###

Sa mga nagnanais ng pagkalinga ng pitak na ito, maari kayong mag-email sa barangayanni_isko-@yahoo.com o mag text sa 09336363310.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply