PNoy ‘di sasabayan si VP Binay na lumagda sa waiver

WALANG balak ang Malakanyang na makipagsabayan kay Vice President Jejomar Binay na lumagda ng waiver para mabuksan ang kanyang mga bank deposits.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, suportado nila ang posisyon ni Binay subalit nananatili naman ang posisyon ni Pangulong Aquino na ibasura ang hirit sa kanya na lumagda ng waiver.
Matatandaang naninindigan ang Malakanyang maging ang Pangulong Aquino na hindi kakagat sa nasabing hamon na isa umanong ‘theatrics’ lamang.

Para sa Malakanyang, tama na ang SALN waiver para mabusisi ang taglay na yaman ng isang opisyal lalo ang Pangulo.

Pero kung may balak umano ang Kongreso na amyendahan ang batas para mapalakas tungo sa accountability at transparency, nakadepende na umano ito sa ‘wisdom’ ng mga mambabatas.

“We respect the decision of Vice President Binay. We have taken the position that the SALN waiver is sufficient,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply