PNoy hinikayat na lagdaan ang People’s Survival Fund Law

MAHIGPIT na hinilng ni Sen. Loren Legarda kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na agad lagdaan ang napagtibay na People’s Survival Fund ng Kongreso upang tuluyan nang matulungan ang lokal na pamahalaan at komunidad laban sa epekto ng climate change.

Sa pahayag ngayon ni Legarda, sinabi nito na tutulungan ng naturang batas ang Climate Change Law sa pamamagitan ng pagkamit ng adhikain nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa lokal na pamahalaan at komunidad.

“I am very optimistic that the President will sign the measure into law soon,” ayon kay Legarda.

Nasa Washington si Pangulong Aquino ngayon na nakikipag-usap kay US President Barack Obama hinggil sa usaping panseguridad at ekonomiya sa ating teritoryo.

“I am pleased that both houses of Congress saw the importance of the People’s Survival Fund, which will complement the Climate Change Law by helping achieve its objectives through provision of funds to local governments and communities for their climate change adaptation programs,” paliwanag niya.

Isang uri ng pondo ang PSF sa National Treasury na umaabot sa isang bilyong piso na ilalaan taon-taon sa ilalim ng General Appropriations Act para pondohan ang adaptation programs at proyekto base sa National Strategic Framework on Climate Change.

Susuportahan din ang pondo ng donasyon, endowment, grants at kontribusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply