PNoy kay Sec. Robredo: Magpaliwanag ka

PAGPAPALIWANAGIN ng Malakanyang si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo kaugnay sa tunay na situwasyon ng Jordanian journalist na si Baker Atyani matapos mapaulat na isa na itong bihag ng bandidong Abu Sayyaf at hindi na ito nawawala lamang.

Ayon kay Deputy Presidential Abigail Valte, kailangang maipaliwanag mabuti ni Sec. Robredo ang pangyayaring ito dahil maging sila ay naguluhan na rin sa status ng naturang dayuhan.

“We will leave it po up to Secretary Robredo to explain kung ano po ‘yung naging change in circumstances kung bakit po ngayon ang standing po ni Ginoong Baker Atyani ay hostage na at hindi na po missing. We will defer to the DILG to explain kung ano po ‘yung nangyari at kung ano po ‘yung factors that contributed to the change in status,” ayon kay Usec. Valte.

Kaya nga, inamin ni Usec. Valte na hindi sila nag-aalala kung dinukot nga nga ASG si Atyani.

“We don’t quite agree that it’s an abduction because ‘yung information nga po is that he went there voluntarily. Ngayon po, it seems that he’s not able to leave. So that is something that we want si Secretary Robredo to be the one to explain kung ano po ‘yung nagkaroon ng change doon sa circumstances. Because, if you remember, hindi naman po nasabihan ‘yung local government that si Mr. Atyani had an intention to interview members of the ASG,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sakali man at totoo ngang bihag ngayon ng ASG si Atyani ay bahala na ang DILG na magsalita hinggil dito.

Sa ulat, imposibleng makahulagpos sa ASG ang Jordanian journalist na si Baker Atyani at dalawang kasamahan nitong Filipino cameramen na sina Ramelito Vela at Rolan Letriro dahil hostage na ang mga ito ng naturang grupo.

Iyon ay sa kabila ng paniniwala ng kalihim na hindi dinukot ang tatlong TV crew makaraang makausap ang  pamilya ang dalawang Pinoy sa Camarines Sur.

Nauna nang pinanindigan ni Robredo na huwag ng payagan ang dayuhan na bumalik ng Pilipinas sakaling makawala na ito kasama ang dalawang cameramen.

Alam, aniya, ng Jordanian na delikado ang lugar na pupuntahan at inalok pa ng security ng lokal na pamahalaan sa Sulu subalit hindi ito sumunod.

Sinabi pa rin niya na kung pababayaan niya ang ganitong sitwasyon ay maraming tao ang maaaksidente na maaaring ikasira rin ng imahe ng Pilipinas.

Aniya, hindi naman kasalanan ito ng gobyerno kundi kasalanan lamang ng isang taong ayaw sumunod para mapangalagaan sana ang kanyang kaligtasan.

Wala naman, aniya, siyang pakialam kung kastiguhin siya hinggil dito dahil ang importante, aniya, sa kanya ay tama ang kanilang ginagawa.

“Ang mahalaga sa amin na batikusin na lang po kami basta tama ang ginagawa namin. Ang ikalawa, batikusin na lang po kami masiguro lang namin na hindi na mauulit dahil kami po ang may obligasyon sa seguridad,” ang pahayag ng Kalihim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply