PNoy lumipad na pa-United Kingdom

UMALIS na si Pangulong Benigno Aquino III papuntang London sakay ng PR flight 001 sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakahanay sa schedule ni Pangulong Aquino ang pakikipagpulong sa iba’t ibang business groups sa UK.

Aniya, posibleng dito rin paplantsahin ang mga proyektong popondohan sa ilalim ng Public-Private Partnership program.

Sa naturang biyahe, makahaharap ng Pangulo si Prince Andrew na kakatawan kay Queen Elizabeth na abala sa selebrasyon ng kanyang diamond anniversary bilang reyna.

Mula sa London, didiretso na ang Pangulo sa Estados Unidos para sa kanyang one-on-one meeting kay US President Barack Obama sa Washington D.C.

Tiniyak ni Pangulong Aquino sa taumbayan na kapaki-pakinabang ang kanyang pitong araw na biyahe sa United Kingdom at Estados Unidos.

Una munang pupunta si Pangulong Aquino sa London kung saan ito makikipagpulong kay British Prime Minister David Cameron at sa kinatawan ng royal family.

Maliban sa mga investment, matatalakay rin dito ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao dahil ang UK ay isa sa mga miyembro ng International Contact Group.

Mula sa London, diretso na ang Pangulong Aquino sa Washington D.C. para sa pakikipagpulong kay US President Barack Obama.

Sentro rito ang regional cooperation, maritime defense at iba pang sektor na pinagtutulungan ng Pilipinas at US na pinakamalaking trading partner ng bansa

Samantala, bago umalis, ipinag-utos ni Pangulong Aquino sa Department of Justice ang paglikha ng hakbang upang mabawasan ang panganib sa mga testigo ng Maguindanao Massacre case.

Bunsod ito ng pagpaslang sa ikalawang witness sa nasabing kaso sa pamamagitan ng chainsaw.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na inaasahan niya ang ulat ni Justice Secretary Leila de Lima sa lalong madaling panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply