PNoy nagbabala sa mga naninira sa kalikasan

BINALAAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga indibiduwal o grupo na patuloy na sinisira ang kalikasan.

Sa idinaos na ika-25 anibersaryo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay mahigpit ang direktiba ni Pangulong Aquino sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ) at DENR na bumuo ng mga mekanismo para mapalakas ang kampanya laban sa illegal logging operations sa bansa.

Inamin nito na dismayado siya sa patuloy pa ring pamamayagpag ng nasabing iligal na gawai kung saan kasabwat pa ang ilang mga tiwaling kawani at opisyal ng gobyerno.

Itinuring naman ng Malakanyang na isang direktang hamon ang pagiging pasaway ng mga illegal loggers na hindi maaaring palampasin ng gobyerno.

Sa kabilang dako, inatasan na ng Punong Ehekutibo ang Bureau of Corrections (BuCor) na maging handa sa pagdating ng mga maaaresto sa anti-illegal logging campaign.

Kumbinsido itong magiging siksikan sa loob ng kulungan dahil hindi siya titigil hangga’t lahat ng mga nagbabalewala sa kanyang kautusan ay naipapakukulong para pagdusahan ang paninira sa kalikasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply