PNoy nilutas ang problema sa meat importation

MAGANDA sa dilang maganda ang naging solusyon ni Pangulong Noynoy Aquino sa problema tungkol sa meat importation para maproteksyunan ang interes ng mga local hog at poultry industries sa ban-sa.
Halos P190 milyong subsidiya ang inilabas ni Pang. Noynoy para sa mga hog at poultry grower. Nagulat ang mga opisyal ng Swine Development Council at United Broiler Raisers Association ng totohanin ni PNoy ang kanyang pangako na sosolusyunan ang prob-lema ng mga hog at poultry industries.
Mas lalong natuwa ang mga ito nang makita nila na ang pondo ay ginagamit na sa pagpapagawa ng “Triple A” na slaughter house sa Batangas at Bulacan kaya ang laki ng pagpapasalamat nila kay Pang. Aquino. Bukod sa P190M na pagpapagawa ng high-tech na slaughter house na may P10M  pang inilabas si PNoy para naman sa pagpapagawa ng dressing plant sa Tarlac.
Ayos si Mr. President Aquino? Napag-alaman kay Agriculture Sec. Proceso Alcala na ang kawalan ng ganitong katayan ang ginagawang dahilan ng ilang negosyante na mag-importa ng mga produktong karne mula sa ibang bansa.
Ipinakikita lang talaga  ni Pang. Noynoy na seryoso siya na lutasin ang problema sa meat importation sa pamamagitan ng pag-uutos nito sa Department of Agriculture na pigilan ang walang humpay na pagbaha ng mga imported meat sa wet markets.Tanging ang mga legitimate importer na lamang ang may karapatang mag-importa ng dayuhang karne kung kaya ang DA, sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs (BOC), ay nagsisimula na ang mga ito na magsipagtakbo.
OBC UNIT NG CRAME NANGONGOTONG
Isang pulis Major at alyas Magsino ng OBC Crame ang nanghaharas daw ng mga establishment at mga pasugalan sa Metro Manila para makakotong.
Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply