PNoy, Obama, Cameron magpupulong ukol sa Scarborough

TATALAKAYIN ni Pangulong Benigno Aquino III kina US President Barack Obama at United Kingdom Prime Minister David Cameron ang isyu ng China standoff sa Scarborough Shoal.

Gagamitin ni Pangulong Aquino ang nakatakdang bilateral meeting nito sa mga nasabing lider para pag-usapan ang kondisyon ng West Philippine Sea.

Sa kabilang dako, wala namang marching orders si Pangulong Aquino sa bagong Philippine ambassador to China Sonia Brady dahil kapado na nito ang kanyang tungkulin.

Labis naman ang pasasalamat ng Malakanyang sa mabilis na pagkumpirma ng Commission on Appointments sa appointment ni Brady.

Magugunitang nitong weekend lang inanunsyo ng Malakanyang ang nasabing appointment kay Brady.

Sa ulat, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagpapasalamat sila dahil nakita ng CA ang kahalagahan ng isang career diplomat para palakasin ang relasyon ng Pilipinas at China.

Aniya, kailangan ang karanasan ni Brady sa pakikipag-ugnayan sa bansang Tsina sa harap na rin ng tensyon sa Scarborough Shoal.

Dati na rin itong nagsilbing ambassador ng Pilipinas sa Beijing noong 2006 hanggang 2010.

Una rito, inamin ni Brady sa harap ng mga miyembro ng CA na na-stroke siya nitong mga nakaraang buwan pero ngayo’y fully recovered na at handa na siyang magsilbi sa bansa hanggang gusto ni Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply