PNoy sa sambayanan: ‘Magtulungan tayo’

HINIKAYAT ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga ordinaryong mamamayan at mga opisyal ng pamahalaan na magtulungan upang mapagtagumpayan ng gobyerno ang kabutihan ng bansa.

Sa idinaos na Vin d’honneur para sa 114 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na ginanap sa Rizal Hall, Malakanyang ay sinabi ng Pangulong Aquino na ito ang tamang panahon para magtulungan ang lahat lalo pa’t ngayong Araw ng kalayaan ay muli niyang binigyang ningas ang pag-asa at kumpiyansa at maisakatuparan ang mga pangako ng reporma para sa lahat.

“As we work to bring inclusive prosperity to our people, we are cognizant of this fundamental truth: in an “increasingly globalized world, our national destinies are intertwined. Prosperity cannot come in isolation; it requires cooperation, where we solve problems together, and build a dynamic milieu together. Just as our administration has pledged a policy of constructive, responsible, engagement with the world, so too, do we ask all nations, to work with us, to achieve the fullest potential of all our peoples,” anito..

Ipinaalala rin ni Pangulong Aquino ang katapangan ng ating mga ninuno para makamtan ang kalayaan at ipinagkatiwala naman sa bagong henerasyon ang responsibilidad na tiyakin na ang kalayaan at benepisyo ay mararamdaman ng lahat.

“As a nation, we also desire peace and prosperity for our region and for the rest of the world: the foundation of progress for all,” aniya pa rin.

At sa mundo aniya kung saan ay marami ang pagsubok ay muli niyang hinikayat ang taumbayan na tulungan siyang resolbahin ang bagay na ito lalo na ang pagkakaroon ng kapayaan sa bansa.

Nakiisa rin sa okasyong ito sina Foreign Secretary Albert del Rosario at Mrs. Del Rosario; His Excellency Guiseppe Pinto; mga miyembro ng Diplomatic Corps; kagalang-galang na miyembro ng Senado at Kongreso; Cabinet members; local government officials; at kapwa manggagawa sa gobyerno at mga inanyayahang bisita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply